Monday, July 9, 2012

Sharon Cuneta, Nagsalita Na sa Alitan Nila ni Ms. Helen Gamboa

Maganda ang mood ni Megastar Sharon Cuneta nang puntahan siya ng Showbiz Kontrobersyal sa taping ng Sharon, Kasama Mo Kapatid, ang kanyang talk show sa TV5. Malamig sa Delta Studio pero very warm ang pagtanggap ni Sharon sa amin. Pagkatapos mai-tape ang isang episode ng kanyang show ay nakahuntahan na namin ang Megastar.

Agad naming tinanong kay Sharon ang tungkol sa bagbabati nila ng kanyang Tita Helen (Gamboa, kapatid ng mommy niya). "It was never meant to be a public thing," bungad ni Shawie tungkol sa tampuhan nila ng kanyang Mama Helen. "Normal nangyayari iyon sa pamilya na nagkakaroon ng tampuhan. Kaya lang in our case, it was the first time ever. Ang bottomline lang nito ay ano ba? Pareho lang kaming may asawang senador at pareho lang namin pinoprotektahan. "kaya lang what makes it very difficult, lalo na for me the younger one--the younger relative na parang anak na niya, 'di ba?....Kasi parang ayaw mo na rin saktan ang tito mo na para mo ng daddy. "Lalo na ayaw mong masaktan ang family mo, pero sometimes, you say something,  and eto ang masakit, no matter how gently you say it, iba 'yung dating. So parang talo ka talaga,lalo na't taga showbiz kayo. "it was not meant to be a public thing. It was a tampuhan na ang feeling ko, nag-drag on siya. Since hindi naman kami nagbibilang ng kalendaryo kung ilang araw na kayo hindi nag uusap-- nakadalawang Pasko yata kaminghindi nagkita. Pero the first Christmas, I remembered, I was in the province. Wala pang gulo noon.

Tapos 'yung second, yun may gulo na noon. When I saw gulo, it was a quiet misunderstanding. Hindi naman kami 'yung type na baduy na magsusuguran para mag-away. "Kaya nga sabi ko sa kanya, 'Ma, sana hindi mo na lang tinawagan si Kuya Riacky (Lo of Phil Star) Ano ba naman 'yung puntahan mo ako at sabunutan mo ako, sampalin mo ako, okay lang iyon, "natatawang wika ni Sharon. Pero nang "magbati" na sina Sharon at Mama Helen nya, si Sen. Tito ang  nagbanggit nito sa isang TV interview sa kanya. "I didn't mention. I did not tweet about it. I was in Thailand. I just said to Kiko, I don't like na. Parang...she's Mama Helen, let us give her the respect.

Ako, I have no problem at all. Kung may problema sa kanya kahit sino sa pamilya namin, 'yung kanya, just take it because she loves me. "pero in fairness kay Mama, noong birthday ni Kiko ( August 24), ipinagluto pa niya and he said thank you. Kajit na ako ang may tampo. Kaya naman lalo akong na-guilty," tuloy-tuloy na sabi ni Sharon. "ang nagre-report sa akin, si Ciara (pinsan ni Sharon, youngest daughter nina Helen Gamboa at SEn. Tito Sotto) kung ano ang nangyari when she received the message. Parang katabi niya yata si Lala (ate ni Ciara) nasa car.Nag-text ako, tapos pagbasa raw niya (Mama Helen), bigla na lang nag-iiyak. Sabi raw ni Lala, Mommy, why? Why? So ipinasa niya ang phone. Ang sabi ko lang naman, 'Mama huwag ka pong magalit sa akin'. I won't go into details na, basta  I told her that I love her. Sumama lang talaga ang loob, kasi ganito at ganyan. Pero,'You know that I love you'.

"Maya-maya may natanggap akong text. may sinabi siya na mga lumang words: Alam mo ba ang feeling ko, anak? Parang nilapastangan mo ako?' Parang ganito...ganyan. 'Sorry, Mama. I didn't mean for that to happen', Noong nasabi ko 'yon, nag text siya uli. Sabi niya, ako pa rin ang nagpapatawa sa kanya. Sabi ko, Mama, alam mo ba nung mabasa ko 'yung part na parang nilapastangan kita, na-imagine ko si Zeny Zabala. Kaaway niya si Patria Plata tapos magtutugtog ng "It's not Unusual", tapos bigla kang nagsasayaw ng Grind for no reason at all. 'Di ba ganoon ang movies noong araw? "Tawa siya nang tawa. Tapos every day, since then, tinetext ko siya: 'Have a nice day'."Ang hirap," kuwento pa ni Sharon. "Ayoko naman siyang puntahan sa taping. Eh lagi naman siyang nasa taping, 'di ba? Every other day ang taping niya, tapos ako naman, everyday ang taping.One day bago nu'ng birthday niya, nag-text ako, tapos nagtext din si Ciara. It was a Sunday. I had work that Sunday. Birthday niya was May 7, Monday. Pero sabi ko, first time namin magkikita.Ayoko naman na maraming tao. Sa madaling salita, tuma-timing lang ako na nakapahinga siya, nasa bahay siya saka ko siya pupuntahan. Isusurprise ko siya."Sino ba naman ang may gusto noon na magkasamaan kami ng loob? Kasi parang the whole clan is affected. Ang sad lang ako. Talagang hindi naman dapat 'yun lumabas. It was an innocent comment. I never naman commented on what came out, like the senate presidency before. 'Yung isang lumabas na may comment, I never said anything. Huwag mo na patulan. No matter how gently you say it, siyempre 'pag close masyado, iba ang dating."

PANGARAP

KUNG may isang pangarap man ngayon ang Megastar na si Sharon Cuneta, is for her lose weight para makagawa na siya ng pelikula. "After all these decades, the people have seen me grow up. They know I was thin for most of my life. The last few years lang naman ako tumaba after I gave birth to Miel. Siyempre, 'pag 40's ka na, mabagal na ang metabolism mo. If I could lose weight and do movies again, that's my dream. That's my goal right now," sabi pa niya. Nag-drop na raw ng two sizes ang kanyang damit since nag-press conference siya for her show. Ayaw naman daw niyang ma-pressure pero gusto na niyang gumawa ng  pelikula. But she wants to be in shape. "Ayoko namang lumabas sa movie na hindi ako bagay sa movie. Dapat okey ang weight ko. Tuloy rin ang movie ko with Gabby (Concepcion) pero dapat magkausap muna sina Boss Vic (del Rosario) at Gabby regarding his contract." Ang isang movie na pinaplano for her ay pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos. Nae-encourage naman daw siya talaga na magpapayat na kasi gusto na niya talagang gumawa ng pelikula. Wala naman daw siyang retoke sa katawan pero gusto na niyang i-career ang pagpapapayat. Tinanong namin siya kung kailan magge-guest si KC sa kanyang show. Aniya, "Malapit na. 'Pag may naakmang topic." Wala rin daw problema kung mag-guest siya sa ABS-CBN. "If someone needed me now sa Kapamilya network, I'd readily go. If someone wanted me to be there for someone special, why would I not go? Judy Ann (Santos) was so nice to have appeared in my show kaya precious siya sa akin," matapat na pagbabahagi ni Sharon.

Balak rin ba niyang mag- produce ng show for TV5 na hindi siya ang featured star? "Yes, kaming dalawa ni Boss Vic. We put up Mega Productions, si Boss Vic ang partner ko saka sa Sandra, so that is one of the plans. Pero we are focusing first on Sharon, Kasama Mo Kapatid kasi this is our first. This is our baby. And it's our carrier kaya I am focusing on it. Awa ng diyos, I enjoy coming to work every day. I enjoy the show very much. I look forward to it. "Dati bothered na ako 'pag dalawang taping sa isang araw. Ay ngayon, hindi! Tinatanong ko nga sila kung ayaw nilang mag-four taping days a week< Sabi nila nila, baka po mamatay na ang mga writers natin. Ay, kumuha ng iba!' natatawang kuwento ni Sharon.


Biro nga niya sa production staff, kaya ba nilang tapusin ang five years na show in two years para makagawa pa siya ng ibang show? Pero pag-uusapan pa raw nila ng TV5 kung anong klaseng program ang kanyang ipo-produce. Marami raw plano ang network for her pero hindi pa niya pwedeng i-announce. "Basta im looking forward to shooting a movie. Acting na acting na ako, utang na loob! Mano po 6 pa ang last movie ko. Pero sana matuloy na ang movie namin ni Juday at sana maipalabas ito this year," pag-asam niya.

No comments:

Post a Comment