Friday, July 13, 2012

Kim Chiu at Xian Lim, Mga Kaganapan After My Binondo Girl

Pinasalubungan ni Kim Chiu si Xian Lim ng isda galing Alaska!

Lumalago at lumalalim pang lalo ang pagtitinginan nina Kim Chiu at Xian Lim sa isa't isa. Sa mga ibinuyag ni Kim na mga ginawang effort ni Xian para sa kanya noong magpa-interview siya sa ginanap na story conference ng kanilang upcoming teleserye, Hindi maitanggi ang tuwa at kilig ng dalaga. Ang mas mahalaga pa, gumaganda na rin ang relasyon ni Kim sa kanyang mga kapatid na kanya ring sinasangguni pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

KAKAIBANG GIFTS
IBINUNYAG ni Kim na naiparamdam sa kanya ni Xian na espesyal siya dahil sa mga effort ng binata. Sa mga pahayag ng dalaga, mukhang effective ang effort ng aktor to make her feel indeed special. Halimbawa pagdating daw ni Xian sa bansa galing abroad, dumeretso siya kina Kim upang magbigay ng sariwang isda. "Isda galing Alaska!" sabay tawa ni Kim. "Pagkalapag na pagkalag niya sa Pilipinas, inihatid niya sa bahay namin. (Sabi ni Xian) 'Labas ka, may ibibigay lang ako. 'Yung iba nasa maleta ko pa.' Kasi mapapanis daw 'yung isda." Kinain daw talaga ni Kim ang pasalubong ni Xian lalo pa't ang layo ng pinanggalingan ng mga ito. "So, 'yun... nakakatuwa," papuri ni Kim sa gesture ng binata. Noong abril ay nag-birthday si Kim at nagkaroon uli ng pogi points si Xian nang bigyan nito ang aktres ng regalo ng hindi niya inaasahan. "Actually, marami naman siyang ginagawang pakulo niya, eh." paglalarawan ni Kim sa binata. "Noong birthday ko, nasa bundok ako, wala akong signal, nag-shooting ako ng The Healing. Tapos pag-uwi ko ng bahay, sa sala may puno ng flowers na heart- shape," lahad niya. "So, parang sabi ko sa mga kapatid ko, kanino naman galing ito. Sabi nila di nila alam. Tapos bigla siyang (Xian) tumawag, nag-text." Ang heart-shaped tree raw ay punong puno ng red roses. Mabilis ang naging sagot niya          nang tanungin kung naramdaman ba niyang appreciated siya sa ginawa ni Xian. "Oo naman! Siyempre nakakagulat na may puno sa sal ng bahay ko. Nakakatuwa!"

MAY KONTROL 'PAG NAGMAMAHAL
NATUTO na raw si Kim sa dating ugali na buhos kung magmahal. "Siguro may control na mas open na ako sa mga kapatid ko. Hinihingi ko 'yung opinyon nila. Dati padalus-dalos lang ako, e." At dahil puso ang pinag-uusapan, maingat narin siya para hindi masaktan nang sobra. At malaking factor anf opinyon ng kanyang mga kapatid. "Hindi lang ako 'yung kumikilala sa lalaki. Pati mga kapatid ko. Kasi mas alam na nila at mas marami silang experience kaysa sa akin. Mas naging close nga kami ng kapatid ko, e. Now, ino-open ko sila kay Xian."

PAMILYA AT KASAMAHAN NI KIM, NILILIGAWAN DIN NI XIAN
NABAWASAN ang panahon nina Kim at Xian sa isa't isa matapos ang teleseryeng My Binondo Girl. Crucial ang panahong iyon dahil doon daw matutukoy kung showbiz lang ba o totohanan ang namumuong pagtitinginan sa kanila. Tila pumasa naman dito si Xian. Hindi man ganoon kadalas, inamin ni Kim na dumadalaw sa bahay niya ang binata. Ang maganda pa nito hindi lang siya sinusuyo ng aktor. "Pag walang work, dumadalaw siya sa amin, may dala siyang food para sa aming lahat. Pati sa mga yaya ko, sa mga ate ko, 'yung buong bahay namin may party." Makahulugan ang sagot ng Cebuana nang itanong sa kanya kung gaano ba ka-sweet si Xian. "Siguro kung ano siya, iba. 'Yung di ko pa naramdaman dati, 'yun ang nararamdaman niya. Dahan-dahan din."

MGA KAPATID NI KIM BOTO KAY XIAN
NAGBABAGO na rin ang relasyon ni Kim sa mga kapatid dahil kung dati ay sinasarili niya ang kanyang mga pinagdadaanan at buhay-pag-ibig, ngayon ay natuto na siyang mag-share sa mga ito. "Simple lang kasi dati, e. Parang ayoko na masyadong i-open sa mga kapatid ko. Ngayon, gusto ko kilala sila (manliligaw) ng mga kasama ko sa bahay, ng mga kapatid ko. Mas open ako sa siters ko. Hindi siya katulad ng dati na secret lang sa mga sisters ko. Ngayon mas nakikilala siya ng mga kapatid ko. "Dati sinosolo ko lang lahat ng mga nangyayari sa akin, sinosolo ko lang lahat ng mga problema ko, so, hindi nila ako naiintindihan. Ngayon Inio-open ko na siya sa mga sisters ko. Nagdi-dinner kami kasama siya." Sa tanong kung boto ba ang kanyang mga kapatid kay Xian, ang sagot ni Kim, "Maayos naman. Konti pa, konti pa raw. "Sabi nila, maayos naman siya. Iba, iba siya. Nagugulat na lang sila maraming dalang food para sa maing lahat. Kunwari milk tea, para sa aming lahat; katulong ko, driver ko, pero hindi lang naman para sa akin. And nagugulat sila, pati mga sisters ko."

No comments:

Post a Comment