'Pag nararamdaman ng puso, 'di naman 'yan mapipigilan.' - Xian Lim
IDAAN sa gawa, hindi sa salita. Marahil ito ang motto ni Xian Lim sa kanyang panliligaw kay Kim Chiu dahil sa kabila ng mga ginagawa niyang pagsuyo sa dalaga ay hindi niya iyon masyadong ipinangangalandakan. Sa katunayan, ang pagbibigay niya ng heart shaped tree na punung-puno ng red roses sa dalaga noong birthday nito last last April at ang pagdiretso niya sa bahay nito upang idaan ang sariwang isda from Alaska ay si Kim pa ang nagbunyag. 'It feels good. I'm happy na magkakasama ulit kami, and'yan ulit kami," simpleng nasabi ni Xian ng tanungin sa nalalapit na pagbabalik-tambalan nila ni Kim sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak (Kasama sina Enchong Dee at Maja Salvador). Sa mga sagot ng aktor ay hindi nga niya masyadong hina-hype ang kanilang tandem na talaga namang sinuportahan simula nang pumaimbulog ito sa My Binondo Girl.
MALAKI ANG CHANCE NA MAPASAGOT SI KIM?
SA Kanilang muling pagsasama ni Kim, pakiramdam kaya ni Xian ay mas lalaki ang kanyang chance na mapasagot ang aktres dahil madalas silang magsasama? "Ang masasabi ko lang naman kung sa (My) Binondo Girl I got to know her better, dito siyempre, only time can tell kung the same likes or dislikes. Usually, getting to know takes some amount of time," ani Xian. Tinukso ang binata dahil habang nagkukuwento, si Kim ang kinikilig sa mga panunuyo rito ng binata. Hindi kaya nararamdaman ni Xian kung mahuhulog ang loob ni Kim sa kanya? "Ayoko naman maging feeling... ayoko namang maging gano'n," nangingiting sagot niya. 'It makes me happy when I see her happy. Every time she laughs, nakakatuwa lang." Very romantic din ang sagot ng binata nang matanong siya kung saan siya nakakakuha ng ideya sa mga regalong ibinibigay kay Kim. "Wala akong pinagkukuhanan noon. Dito (sabay turo sa puso) ko 'yun kinukuha. Totoo naman, hindi 'yun makukuha sa libro." Dahil mukhang tinatablan si Kim sa mga pagpapakilig ni Xian, tinanong sa aktor kung hindi ba niya tinatanong si Kim kung kailan ba siya sasagutin nito. "Pangit namang magtanong ang isang lalaki ng gano'n. Para sa akin, sobra namang demanding. 'Pag naramdaman ng puso, 'di naman 'yan mapipigilan."
ANG NAGUSTUHAN NIYA KAY KIM
ANG talaga namang nakakakiling niyang sagot kung ano ang nagustuhan niya kay Kim: "Everything about her. 'Di mo naman mapo-point out." Gusto raw niya ang personality ng dalaga, ang mga mata at ngiti ni Kim kaya naman gusto niya itong pinapangiti. "Mabait siyang tao. She's a really nice person. Wala kang makikitang anything bad about her." Ang Binondo Girl ang naglunsad kay Xian bilang leading-man material, thanks to his successful team-up with Kim. Dahil sa tagumpay na iyon, mataas ang expectation ng mga tao sa muling pagtatambal nila ng dalaga. "Siyempre there's always gonna be pressure. Pero ako I'm excited. 'Yun lang ang nasa isip ko ngayon. I'm excited to work with Kim again, with Maja and Enchong. "Basically, and gusto (ko), I wanna inspire people. Same inspiration we gave sa (My) Binondo Girl. May mga sinasabi ako sa interviews na 'yung impact ng My Binondo Girl, nang pumunta kami ng (United) States may mga grandmother na umiiyak sila: Some have cancer. Sabi nila, Nagpapasaya sa kanila ang (My) Binondo Girl. Gusto ko gano'ng level (na pagpapasaya)."
COMPARISON WITH ENCHONG
SA kasalukuyan, si enchong ang nagiging ka-level ni Xian pagdating sa kasikatan, kaya naman pinagtatapat ang dalawa. Kahit sa mga endorsement ay tila nagkakaroon sila ng rivalry, pero sinabi ni Xian na walang kumpitensiya sa kanila ni Enchong. "Masaya ako na kasama ko si Enchong, lalo na sa movie namin The Reunion. I really got to know Enchong, nag-teambuilding kami for our characters to be bonded. Wala namang gano'n (rivalry)." Nagkatrabaho na rin naman daw sila kaya maayos ang pagkakaibigan nila ni Enchong. Isang pagkakataon din daw ang kanilang upcoming teleserye para mas makilala si Maja, na nakatrabaho niya sa My Binondo Girl at My Cactus Heart. In the end, sa magandang takbo ng career ni Xian, ang patuloy na suporta ang kanyang ipinagdadasal, hindi lang dahil gusto niyang manatiling sikat, kundi dahil alam niyang may napapasaya siyang tao. "At the end of the day, gusto ko lang naman na masaya silang lahat. Iget the satisfaction over their happiness. Ibig sabihin, I'm doing something right."

No comments:
Post a Comment