Friday, July 13, 2012

KC Concepcion Believes Na May Matitino Pa Ring Lalaki

ILANG buwan na ang nakalipas mula sa kontrobersyal na hiwalayan nila ni Piolo Pascual, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin handang makipagrelasyon muli ni KC Concepcion. Sa katunayan ay binasted niya si Jules Knight, miyembro ng Blake, isang British band, kahit consistent ang panunuyo nito sa kanya. Anang dalaga, kahit sinong lalaki ang manligaw sa kanya ay hindi rin niya mapagtutuunan ng pansin dahil priority niya ang kanyang showbiz career. "Huwag na muna ang love life. Sandali lang. I would be unfair to myself kung i-entertain ko 'yung isang bagay na hindi ko maitatawid. At ayokong pumasok sa isang relasyon para gawing rebound or what. Quota na rin ako roon [sa nadadala sa kilig]!" Pero hundi naman ibig sabihin ay bitter pa siya sa break-up nila ni Piolo kaya subsob siya sa trabaho tulad ng pagho-host ng X Factor at paghahanda para sa pelikulang Nothing Compares To You kasama si Derek Ramsay at Anne Curtis. "What is that I'm going through last year? Matagal na 'yun. Marami pa akong nagawa na naka-help sa pag-bounce back ko. Isa na roon 'yung pagpapagupit sa buhok ko. Doon pa lang okey na ako," paglilinaw ni KC. Kahit na masakit ang naging karanasan niya sa pag-ibig, naniniwala parin daw si KC na may mga matitino paring lalaki at matatagpuan din niya ang nakalaan para sa kanya sa tamang panahon. Kung mayroon man daw siyang trauma. 'Yun ay ang posibilidad na pagpiyestahan muli ng publiko ang kanyang susunod na makakarelasyon. "Siyempre I'm a public person. I like this world (showbiz)-dito ako ipinanganak at lumaki. Pero 'di naman ako na-trauma sa love, e. I was traumatized more by the public na maraming opinion, maraming taong nakialam. Masakit na nga 'yung nangyari, para sa kahit sino'ng boy or girl, pero mas masakit 'yung ang daming nakisabay na hindi naman alam 'yung totoong nangyari. 'Yun lang 'yung na-trauma ako." Hindi raw niya isisikreto kung sakaling umibig siyang muli, pero mas maging tahimik daw siya sa kanyang next love life para iwas-gulo.

No comments:

Post a Comment