Friday, July 13, 2012

Angeline Quinto and Her Unforgettable Experiences sa Born to Love You

'Noong nag-shooting kami talagang napamahal na sya sa akin...'

Ilang araw bago ipinalabas ang first movie ng Star Power grand champion na si Angeline Quinto kung saan katambal niya si Coco Martin, Ang Born To Love You ng Star Cinema at Cinemedia, pinaunlakan niya ang Showbiz Kontrobersyal para sa isang exclusive interview. Inisa-isa ni Angeline ang para sa kanya ay five most memorable scenes sa pelikula kung saan naka-relate siya dahil malapit sa tunay niyang buhay. Gayundin, ang sampung bagay na 'born to love' niya.
Narito ang buong panayam namin kay Angeline:

Showbiz Kontrobersyal: Anu-ano ang limang "di malilimutang eksenang ginawa mo sa Born To Love You?

ANGELINE QUINTO: Una po 'yung... may mga eksena po kasi aro roon na natutumba, nadadapa ako. 'Di po ba nangyayari na 'yan sa akin sa ASAP? Lampa kasi ako. 'Yung pangalawa, 'yung hindi ko kilala ang tatay ko. Kasi po sa totoong buhay ay hindi ko kilala ang totoo kong nanay. 'Yung tungkol sa 'di ko alam 'yung tatay ko mas madali po sa akin na i-relate kasi 'yun talaga 'yung nararamdaman ko, e. Hinahanap ko talaga ang nanay ko. Dito naman sa pelikula, 'yung tatay ko ang gusto kong makita. Koreano kasi siya. Kaya naman kami nagkahiwalay, kasi nasa Korea siya. Pangatlo po 'yung pagsali sa contest. 'Yung dalawang kapatid ko po rito talagang ineengganyo ko na sumali kasi 'yun lang ang ikinabubuhay namin. Pero magkakasama kaming tatlo. Pinu-push ko sila kasi nawawalan na sila ng pag-asa. Lagi kaming talo. Kumbaga, ako 'yung ate. Sabi ko laban lang ng laban. No'ng ginagawa ko po 'yung mga eksenang 'yun naaalala ko no'ng sumasali ako sa mga contest. Lalo na no'ng ako naman 'yung nawalan ng pag-asa. Pang-apat, 'yung problema sa bahay na, kumbaga, kasi ako lang 'yung inaasahan nila. Ang nanay ko walang trabaho. Ako, kumbaga, ang nag-iisip kung ano ang mapagkakakitaan ko para makatulog sa kanila. Kasi sa totoong buhay , gano'n din po ang ginagawa ko. Panglima po 'yung, ah, Coco (Martin). Kasi siyempre pangarap ko po na makatrabaho si Coco, natupad na po. Sa totoong buhay, ganu'n talaga ang gusto ko. Photographer si Coco sa movie. No'ng una kaaway ko siya sa movie hanggang sa nagkasubukan kami. Kasi alam naman nila na dati pa talagang may paghanga ako kay Coco. Nakatulong ng malaki ang paghanga ko sa kanya.

SK: Kung dudugtungan mo ang phrase na "born to love...," anu-ano ang isasagot mo at bakit?

AQ: Una po, MUSIC. Kasi siyempre feeling ko ipinanganak ako para kumanta. Pangalawa, ang MAMA ko. 'Yung umampon sa akin, si Mama Bob. Kasi 'di ba wala siyang asawa? Ako lang yung pamilya niya. Saka wala po siyang anak. Kaming dalawa lang ang magkasama. Kaya born to love Mama. Pangatlo, ABS-CBN/Star Cinema, ha-ha-ha! E, KASI d'yan ako nagkatrabaho. Pang-apat, ang PAG-AARTE po. Kasi bukod sa pag-kanta ito po talaga ang gusto kong gawin... matagal na po. Pang-lima, born to love FISH. May alaga po kasi akong isda. Mahilig po kasi ako sa isda. Ang pangalan ng tatlong koi ko; sina Whitney, Diva and Joey. Whitney...idol ko (referring to the late Whitney Houston). Diva... pangarap kong maging diva. At Joey naman ang pangalan ko roon sa pelikula. Binili ko po sila. Pang-anim ang COOKING po. Kasi mahilig akong magluto. Sana nga magkaroon ako ng restaurant na sarili ko. Na ako 'yung gagawa ng mga pagkain. Pam-pito, born to love QUIAPO. Ang laki po kasi ng utang na loob ko doon (Quiapo) talaga. Kasi doon po talaga ako dati, suungan ko ng mga problema. Halos naroon ako ng madalas kaya isa po 'yun sa hinding-hindi ko makakalimutan na lugar talaga. Pangwalo, mga AWARDS ko.Kasi 'di ba sabi ko sa inyo ang dami kong trophies? Mahilig ako mag-collect ng trophies. Saka kasi 'yung mga trophies ko babasagin kaya kailangan itabi ng husto. Super iniingatan ko po ang mga 'yon. Saka meron ako no'ng sa album ko, 'yung Planitum, Gold Record. Pangsiyam, PAMILYA ko po. Siyempre po, lalo na 'yung nasa ibang bansa. Kasi matagal ko na sila hindi nakikita. Nando'n po 'yung mga tita ko, pinsan ko na malapit sa akin. Talagang kadugo ko po. First cousin ko sa father side. Pangsampu, siyempre po, COCO! (At napatili ang dalaga.) Kasi siyempre po, bukod sa paghanga ko sa kanya, noong nag-shooting kami napamahal na sa akin si Coco.

No comments:

Post a Comment