ILANG buwan na ang nakalipas mula sa kontrobersyal na hiwalayan nila ni Piolo Pascual, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin handang makipagrelasyon muli ni KC Concepcion. Sa katunayan ay binasted niya si Jules Knight, miyembro ng Blake, isang British band, kahit consistent ang panunuyo nito sa kanya. Anang dalaga, kahit sinong lalaki ang manligaw sa kanya ay hindi rin niya mapagtutuunan ng pansin dahil priority niya ang kanyang showbiz career. "Huwag na muna ang love life. Sandali lang. I would be unfair to myself kung i-entertain ko 'yung isang bagay na hindi ko maitatawid. At ayokong pumasok sa isang relasyon para gawing rebound or what. Quota na rin ako roon [sa nadadala sa kilig]!" Pero hundi naman ibig sabihin ay bitter pa siya sa break-up nila ni Piolo kaya subsob siya sa trabaho tulad ng pagho-host ng X Factor at paghahanda para sa pelikulang Nothing Compares To You kasama si Derek Ramsay at Anne Curtis. "What is that I'm going through last year? Matagal na 'yun. Marami pa akong nagawa na naka-help sa pag-bounce back ko. Isa na roon 'yung pagpapagupit sa buhok ko. Doon pa lang okey na ako," paglilinaw ni KC. Kahit na masakit ang naging karanasan niya sa pag-ibig, naniniwala parin daw si KC na may mga matitino paring lalaki at matatagpuan din niya ang nakalaan para sa kanya sa tamang panahon. Kung mayroon man daw siyang trauma. 'Yun ay ang posibilidad na pagpiyestahan muli ng publiko ang kanyang susunod na makakarelasyon. "Siyempre I'm a public person. I like this world (showbiz)-dito ako ipinanganak at lumaki. Pero 'di naman ako na-trauma sa love, e. I was traumatized more by the public na maraming opinion, maraming taong nakialam. Masakit na nga 'yung nangyari, para sa kahit sino'ng boy or girl, pero mas masakit 'yung ang daming nakisabay na hindi naman alam 'yung totoong nangyari. 'Yun lang 'yung na-trauma ako." Hindi raw niya isisikreto kung sakaling umibig siyang muli, pero mas maging tahimik daw siya sa kanyang next love life para iwas-gulo.
Friday, July 13, 2012
Ang Motto ni Xian Lim sa Panliligaw Kay Kim Chiu
'Pag nararamdaman ng puso, 'di naman 'yan mapipigilan.' - Xian Lim
IDAAN sa gawa, hindi sa salita. Marahil ito ang motto ni Xian Lim sa kanyang panliligaw kay Kim Chiu dahil sa kabila ng mga ginagawa niyang pagsuyo sa dalaga ay hindi niya iyon masyadong ipinangangalandakan. Sa katunayan, ang pagbibigay niya ng heart shaped tree na punung-puno ng red roses sa dalaga noong birthday nito last last April at ang pagdiretso niya sa bahay nito upang idaan ang sariwang isda from Alaska ay si Kim pa ang nagbunyag. 'It feels good. I'm happy na magkakasama ulit kami, and'yan ulit kami," simpleng nasabi ni Xian ng tanungin sa nalalapit na pagbabalik-tambalan nila ni Kim sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak (Kasama sina Enchong Dee at Maja Salvador). Sa mga sagot ng aktor ay hindi nga niya masyadong hina-hype ang kanilang tandem na talaga namang sinuportahan simula nang pumaimbulog ito sa My Binondo Girl.
MALAKI ANG CHANCE NA MAPASAGOT SI KIM?
SA Kanilang muling pagsasama ni Kim, pakiramdam kaya ni Xian ay mas lalaki ang kanyang chance na mapasagot ang aktres dahil madalas silang magsasama? "Ang masasabi ko lang naman kung sa (My) Binondo Girl I got to know her better, dito siyempre, only time can tell kung the same likes or dislikes. Usually, getting to know takes some amount of time," ani Xian. Tinukso ang binata dahil habang nagkukuwento, si Kim ang kinikilig sa mga panunuyo rito ng binata. Hindi kaya nararamdaman ni Xian kung mahuhulog ang loob ni Kim sa kanya? "Ayoko naman maging feeling... ayoko namang maging gano'n," nangingiting sagot niya. 'It makes me happy when I see her happy. Every time she laughs, nakakatuwa lang." Very romantic din ang sagot ng binata nang matanong siya kung saan siya nakakakuha ng ideya sa mga regalong ibinibigay kay Kim. "Wala akong pinagkukuhanan noon. Dito (sabay turo sa puso) ko 'yun kinukuha. Totoo naman, hindi 'yun makukuha sa libro." Dahil mukhang tinatablan si Kim sa mga pagpapakilig ni Xian, tinanong sa aktor kung hindi ba niya tinatanong si Kim kung kailan ba siya sasagutin nito. "Pangit namang magtanong ang isang lalaki ng gano'n. Para sa akin, sobra namang demanding. 'Pag naramdaman ng puso, 'di naman 'yan mapipigilan."
ANG NAGUSTUHAN NIYA KAY KIM
ANG talaga namang nakakakiling niyang sagot kung ano ang nagustuhan niya kay Kim: "Everything about her. 'Di mo naman mapo-point out." Gusto raw niya ang personality ng dalaga, ang mga mata at ngiti ni Kim kaya naman gusto niya itong pinapangiti. "Mabait siyang tao. She's a really nice person. Wala kang makikitang anything bad about her." Ang Binondo Girl ang naglunsad kay Xian bilang leading-man material, thanks to his successful team-up with Kim. Dahil sa tagumpay na iyon, mataas ang expectation ng mga tao sa muling pagtatambal nila ng dalaga. "Siyempre there's always gonna be pressure. Pero ako I'm excited. 'Yun lang ang nasa isip ko ngayon. I'm excited to work with Kim again, with Maja and Enchong. "Basically, and gusto (ko), I wanna inspire people. Same inspiration we gave sa (My) Binondo Girl. May mga sinasabi ako sa interviews na 'yung impact ng My Binondo Girl, nang pumunta kami ng (United) States may mga grandmother na umiiyak sila: Some have cancer. Sabi nila, Nagpapasaya sa kanila ang (My) Binondo Girl. Gusto ko gano'ng level (na pagpapasaya)."
COMPARISON WITH ENCHONG
SA kasalukuyan, si enchong ang nagiging ka-level ni Xian pagdating sa kasikatan, kaya naman pinagtatapat ang dalawa. Kahit sa mga endorsement ay tila nagkakaroon sila ng rivalry, pero sinabi ni Xian na walang kumpitensiya sa kanila ni Enchong. "Masaya ako na kasama ko si Enchong, lalo na sa movie namin The Reunion. I really got to know Enchong, nag-teambuilding kami for our characters to be bonded. Wala namang gano'n (rivalry)." Nagkatrabaho na rin naman daw sila kaya maayos ang pagkakaibigan nila ni Enchong. Isang pagkakataon din daw ang kanilang upcoming teleserye para mas makilala si Maja, na nakatrabaho niya sa My Binondo Girl at My Cactus Heart. In the end, sa magandang takbo ng career ni Xian, ang patuloy na suporta ang kanyang ipinagdadasal, hindi lang dahil gusto niyang manatiling sikat, kundi dahil alam niyang may napapasaya siyang tao. "At the end of the day, gusto ko lang naman na masaya silang lahat. Iget the satisfaction over their happiness. Ibig sabihin, I'm doing something right."

Kim Chiu at Xian Lim, Mga Kaganapan After My Binondo Girl
Pinasalubungan ni Kim Chiu si Xian Lim ng isda galing Alaska!
Lumalago at lumalalim pang lalo ang pagtitinginan nina Kim Chiu at Xian Lim sa isa't isa. Sa mga ibinuyag ni Kim na mga ginawang effort ni Xian para sa kanya noong magpa-interview siya sa ginanap na story conference ng kanilang upcoming teleserye, Hindi maitanggi ang tuwa at kilig ng dalaga. Ang mas mahalaga pa, gumaganda na rin ang relasyon ni Kim sa kanyang mga kapatid na kanya ring sinasangguni pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.
KAKAIBANG GIFTS
IBINUNYAG ni Kim na naiparamdam sa kanya ni Xian na espesyal siya dahil sa mga effort ng binata. Sa mga pahayag ng dalaga, mukhang effective ang effort ng aktor to make her feel indeed special. Halimbawa pagdating daw ni Xian sa bansa galing abroad, dumeretso siya kina Kim upang magbigay ng sariwang isda. "Isda galing Alaska!" sabay tawa ni Kim. "Pagkalapag na pagkalag niya sa Pilipinas, inihatid niya sa bahay namin. (Sabi ni Xian) 'Labas ka, may ibibigay lang ako. 'Yung iba nasa maleta ko pa.' Kasi mapapanis daw 'yung isda." Kinain daw talaga ni Kim ang pasalubong ni Xian lalo pa't ang layo ng pinanggalingan ng mga ito. "So, 'yun... nakakatuwa," papuri ni Kim sa gesture ng binata. Noong abril ay nag-birthday si Kim at nagkaroon uli ng pogi points si Xian nang bigyan nito ang aktres ng regalo ng hindi niya inaasahan. "Actually, marami naman siyang ginagawang pakulo niya, eh." paglalarawan ni Kim sa binata. "Noong birthday ko, nasa bundok ako, wala akong signal, nag-shooting ako ng The Healing. Tapos pag-uwi ko ng bahay, sa sala may puno ng flowers na heart- shape," lahad niya. "So, parang sabi ko sa mga kapatid ko, kanino naman galing ito. Sabi nila di nila alam. Tapos bigla siyang (Xian) tumawag, nag-text." Ang heart-shaped tree raw ay punong puno ng red roses. Mabilis ang naging sagot niya nang tanungin kung naramdaman ba niyang appreciated siya sa ginawa ni Xian. "Oo naman! Siyempre nakakagulat na may puno sa sal ng bahay ko. Nakakatuwa!"
MAY KONTROL 'PAG NAGMAMAHAL
NATUTO na raw si Kim sa dating ugali na buhos kung magmahal. "Siguro may control na mas open na ako sa mga kapatid ko. Hinihingi ko 'yung opinyon nila. Dati padalus-dalos lang ako, e." At dahil puso ang pinag-uusapan, maingat narin siya para hindi masaktan nang sobra. At malaking factor anf opinyon ng kanyang mga kapatid. "Hindi lang ako 'yung kumikilala sa lalaki. Pati mga kapatid ko. Kasi mas alam na nila at mas marami silang experience kaysa sa akin. Mas naging close nga kami ng kapatid ko, e. Now, ino-open ko sila kay Xian."
PAMILYA AT KASAMAHAN NI KIM, NILILIGAWAN DIN NI XIAN
NABAWASAN ang panahon nina Kim at Xian sa isa't isa matapos ang teleseryeng My Binondo Girl. Crucial ang panahong iyon dahil doon daw matutukoy kung showbiz lang ba o totohanan ang namumuong pagtitinginan sa kanila. Tila pumasa naman dito si Xian. Hindi man ganoon kadalas, inamin ni Kim na dumadalaw sa bahay niya ang binata. Ang maganda pa nito hindi lang siya sinusuyo ng aktor. "Pag walang work, dumadalaw siya sa amin, may dala siyang food para sa aming lahat. Pati sa mga yaya ko, sa mga ate ko, 'yung buong bahay namin may party." Makahulugan ang sagot ng Cebuana nang itanong sa kanya kung gaano ba ka-sweet si Xian. "Siguro kung ano siya, iba. 'Yung di ko pa naramdaman dati, 'yun ang nararamdaman niya. Dahan-dahan din."
MGA KAPATID NI KIM BOTO KAY XIAN
NAGBABAGO na rin ang relasyon ni Kim sa mga kapatid dahil kung dati ay sinasarili niya ang kanyang mga pinagdadaanan at buhay-pag-ibig, ngayon ay natuto na siyang mag-share sa mga ito. "Simple lang kasi dati, e. Parang ayoko na masyadong i-open sa mga kapatid ko. Ngayon, gusto ko kilala sila (manliligaw) ng mga kasama ko sa bahay, ng mga kapatid ko. Mas open ako sa siters ko. Hindi siya katulad ng dati na secret lang sa mga sisters ko. Ngayon mas nakikilala siya ng mga kapatid ko. "Dati sinosolo ko lang lahat ng mga nangyayari sa akin, sinosolo ko lang lahat ng mga problema ko, so, hindi nila ako naiintindihan. Ngayon Inio-open ko na siya sa mga sisters ko. Nagdi-dinner kami kasama siya." Sa tanong kung boto ba ang kanyang mga kapatid kay Xian, ang sagot ni Kim, "Maayos naman. Konti pa, konti pa raw. "Sabi nila, maayos naman siya. Iba, iba siya. Nagugulat na lang sila maraming dalang food para sa maing lahat. Kunwari milk tea, para sa aming lahat; katulong ko, driver ko, pero hindi lang naman para sa akin. And nagugulat sila, pati mga sisters ko."

Angeline Quinto and Her Unforgettable Experiences sa Born to Love You
'Noong nag-shooting kami talagang napamahal na sya sa akin...'
Ilang araw bago ipinalabas ang first movie ng Star Power grand champion na si Angeline Quinto kung saan katambal niya si Coco Martin, Ang Born To Love You ng Star Cinema at Cinemedia, pinaunlakan niya ang Showbiz Kontrobersyal para sa isang exclusive interview. Inisa-isa ni Angeline ang para sa kanya ay five most memorable scenes sa pelikula kung saan naka-relate siya dahil malapit sa tunay niyang buhay. Gayundin, ang sampung bagay na 'born to love' niya.
Narito ang buong panayam namin kay Angeline:
Showbiz Kontrobersyal: Anu-ano ang limang "di malilimutang eksenang ginawa mo sa Born To Love You?
ANGELINE QUINTO: Una po 'yung... may mga eksena po kasi aro roon na natutumba, nadadapa ako. 'Di po ba nangyayari na 'yan sa akin sa ASAP? Lampa kasi ako. 'Yung pangalawa, 'yung hindi ko kilala ang tatay ko. Kasi po sa totoong buhay ay hindi ko kilala ang totoo kong nanay. 'Yung tungkol sa 'di ko alam 'yung tatay ko mas madali po sa akin na i-relate kasi 'yun talaga 'yung nararamdaman ko, e. Hinahanap ko talaga ang nanay ko. Dito naman sa pelikula, 'yung tatay ko ang gusto kong makita. Koreano kasi siya. Kaya naman kami nagkahiwalay, kasi nasa Korea siya. Pangatlo po 'yung pagsali sa contest. 'Yung dalawang kapatid ko po rito talagang ineengganyo ko na sumali kasi 'yun lang ang ikinabubuhay namin. Pero magkakasama kaming tatlo. Pinu-push ko sila kasi nawawalan na sila ng pag-asa. Lagi kaming talo. Kumbaga, ako 'yung ate. Sabi ko laban lang ng laban. No'ng ginagawa ko po 'yung mga eksenang 'yun naaalala ko no'ng sumasali ako sa mga contest. Lalo na no'ng ako naman 'yung nawalan ng pag-asa. Pang-apat, 'yung problema sa bahay na, kumbaga, kasi ako lang 'yung inaasahan nila. Ang nanay ko walang trabaho. Ako, kumbaga, ang nag-iisip kung ano ang mapagkakakitaan ko para makatulog sa kanila. Kasi sa totoong buhay , gano'n din po ang ginagawa ko. Panglima po 'yung, ah, Coco (Martin). Kasi siyempre pangarap ko po na makatrabaho si Coco, natupad na po. Sa totoong buhay, ganu'n talaga ang gusto ko. Photographer si Coco sa movie. No'ng una kaaway ko siya sa movie hanggang sa nagkasubukan kami. Kasi alam naman nila na dati pa talagang may paghanga ako kay Coco. Nakatulong ng malaki ang paghanga ko sa kanya.
SK: Kung dudugtungan mo ang phrase na "born to love...," anu-ano ang isasagot mo at bakit?
AQ: Una po, MUSIC. Kasi siyempre feeling ko ipinanganak ako para kumanta. Pangalawa, ang MAMA ko. 'Yung umampon sa akin, si Mama Bob. Kasi 'di ba wala siyang asawa? Ako lang yung pamilya niya. Saka wala po siyang anak. Kaming dalawa lang ang magkasama. Kaya born to love Mama. Pangatlo, ABS-CBN/Star Cinema, ha-ha-ha! E, KASI d'yan ako nagkatrabaho. Pang-apat, ang PAG-AARTE po. Kasi bukod sa pag-kanta ito po talaga ang gusto kong gawin... matagal na po. Pang-lima, born to love FISH. May alaga po kasi akong isda. Mahilig po kasi ako sa isda. Ang pangalan ng tatlong koi ko; sina Whitney, Diva and Joey. Whitney...idol ko (referring to the late Whitney Houston). Diva... pangarap kong maging diva. At Joey naman ang pangalan ko roon sa pelikula. Binili ko po sila. Pang-anim ang COOKING po. Kasi mahilig akong magluto. Sana nga magkaroon ako ng restaurant na sarili ko. Na ako 'yung gagawa ng mga pagkain. Pam-pito, born to love QUIAPO. Ang laki po kasi ng utang na loob ko doon (Quiapo) talaga. Kasi doon po talaga ako dati, suungan ko ng mga problema. Halos naroon ako ng madalas kaya isa po 'yun sa hinding-hindi ko makakalimutan na lugar talaga. Pangwalo, mga AWARDS ko.Kasi 'di ba sabi ko sa inyo ang dami kong trophies? Mahilig ako mag-collect ng trophies. Saka kasi 'yung mga trophies ko babasagin kaya kailangan itabi ng husto. Super iniingatan ko po ang mga 'yon. Saka meron ako no'ng sa album ko, 'yung Planitum, Gold Record. Pangsiyam, PAMILYA ko po. Siyempre po, lalo na 'yung nasa ibang bansa. Kasi matagal ko na sila hindi nakikita. Nando'n po 'yung mga tita ko, pinsan ko na malapit sa akin. Talagang kadugo ko po. First cousin ko sa father side. Pangsampu, siyempre po, COCO! (At napatili ang dalaga.) Kasi siyempre po, bukod sa paghanga ko sa kanya, noong nag-shooting kami napamahal na sa akin si Coco.

Monday, July 9, 2012
PBB Teens 4 Big Winner Myrtle Nagsalita Na About People Who Don't Like Her
Napanood namin sa The Buzz last Sunday ang Big 4 ng PBB Teen Edition 4 na sina Jai at Joj, Roy, Karen at ang Big Winner na si Myrtle. Totoo na marami rin namang Pinoy na nagsasabing hindi si Myrtle ang dapat na nanalo.
“I respect ‘yung desisyon ng lahat ng tao. If they think I’m deserving or not, kasi lahat naman tayo we have our own opinions and there are always two sides of a coin and I’m just very thankful and very glad that there are more people who love me than those who hate me and ngayon na nandito na ako sa outside world, I will prove to you all na kaya kong panindigan at kaya kong patunayan kung bakit ako ang nanalo,” pahayag ng dalaga.
Nakakatuwa rin ang nabunyag sa The Buzz noong linggo dahil noon daw ay napadaan si Myrtle at ang kanyang ina sa harap at PBB house at sinabi umano niya sa ina na isang araw ay magiging PBB Big Winner siya na nagkatotoo ngayon. “Parang it hasn’t sunk into me completely, it’s still a dream and I’m just very thankful sa lahat-lahat ng tao kasi I won’t be here if it werent for you.”
Tungkol sa dream ni Myrtle, “I’ve always told myself I will defend those who cannot defend themselves. I will become a lawyer, I want to become a CPA (Certified Public Accountant) lawyer.”
Pinagusapan din ang tungkol sa pagsunog ni Myrtle sa mga gamit ng mga housemates sa huling linggo ng PBB Teens.
Paninindigan naman ni Myrtle sa pagsira ng mga gamit, “I wanted to take risks for my game. I just want to take a leap. At first inisip ko rin if it was my thing (if) I would burn it completely.”
Dagdag pa ni Myrtle, “This week na-realize ko rin na I should just be detached, don’t expect too much. At the same time, do your best and whatever decision you make, panindigan ko na and whatever I do I’ll just be happy and I did my best.”

Sharon Cuneta, Nagsalita Na sa Alitan Nila ni Ms. Helen Gamboa
Maganda ang mood ni Megastar Sharon Cuneta nang puntahan siya ng Showbiz Kontrobersyal sa taping ng Sharon, Kasama Mo Kapatid, ang kanyang talk show sa TV5. Malamig sa Delta Studio pero very warm ang pagtanggap ni Sharon sa amin. Pagkatapos mai-tape ang isang episode ng kanyang show ay nakahuntahan na namin ang Megastar.
Agad naming tinanong kay Sharon ang tungkol sa bagbabati nila ng kanyang Tita Helen (Gamboa, kapatid ng mommy niya). "It was never meant to be a public thing," bungad ni Shawie tungkol sa tampuhan nila ng kanyang Mama Helen. "Normal nangyayari iyon sa pamilya na nagkakaroon ng tampuhan. Kaya lang in our case, it was the first time ever. Ang bottomline lang nito ay ano ba? Pareho lang kaming may asawang senador at pareho lang namin pinoprotektahan. "kaya lang what makes it very difficult, lalo na for me the younger one--the younger relative na parang anak na niya, 'di ba?....Kasi parang ayaw mo na rin saktan ang tito mo na para mo ng daddy. "Lalo na ayaw mong masaktan ang family mo, pero sometimes, you say something, and eto ang masakit, no matter how gently you say it, iba 'yung dating. So parang talo ka talaga,lalo na't taga showbiz kayo. "it was not meant to be a public thing. It was a tampuhan na ang feeling ko, nag-drag on siya. Since hindi naman kami nagbibilang ng kalendaryo kung ilang araw na kayo hindi nag uusap-- nakadalawang Pasko yata kaminghindi nagkita. Pero the first Christmas, I remembered, I was in the province. Wala pang gulo noon.
Tapos 'yung second, yun may gulo na noon. When I saw gulo, it was a quiet misunderstanding. Hindi naman kami 'yung type na baduy na magsusuguran para mag-away. "Kaya nga sabi ko sa kanya, 'Ma, sana hindi mo na lang tinawagan si Kuya Riacky (Lo of Phil Star) Ano ba naman 'yung puntahan mo ako at sabunutan mo ako, sampalin mo ako, okay lang iyon, "natatawang wika ni Sharon. Pero nang "magbati" na sina Sharon at Mama Helen nya, si Sen. Tito ang nagbanggit nito sa isang TV interview sa kanya. "I didn't mention. I did not tweet about it. I was in Thailand. I just said to Kiko, I don't like na. Parang...she's Mama Helen, let us give her the respect.
Ako, I have no problem at all. Kung may problema sa kanya kahit sino sa pamilya namin, 'yung kanya, just take it because she loves me. "pero in fairness kay Mama, noong birthday ni Kiko ( August 24), ipinagluto pa niya and he said thank you. Kajit na ako ang may tampo. Kaya naman lalo akong na-guilty," tuloy-tuloy na sabi ni Sharon. "ang nagre-report sa akin, si Ciara (pinsan ni Sharon, youngest daughter nina Helen Gamboa at SEn. Tito Sotto) kung ano ang nangyari when she received the message. Parang katabi niya yata si Lala (ate ni Ciara) nasa car.Nag-text ako, tapos pagbasa raw niya (Mama Helen), bigla na lang nag-iiyak. Sabi raw ni Lala, Mommy, why? Why? So ipinasa niya ang phone. Ang sabi ko lang naman, 'Mama huwag ka pong magalit sa akin'. I won't go into details na, basta I told her that I love her. Sumama lang talaga ang loob, kasi ganito at ganyan. Pero,'You know that I love you'.
"Maya-maya may natanggap akong text. may sinabi siya na mga lumang words: Alam mo ba ang feeling ko, anak? Parang nilapastangan mo ako?' Parang ganito...ganyan. 'Sorry, Mama. I didn't mean for that to happen', Noong nasabi ko 'yon, nag text siya uli. Sabi niya, ako pa rin ang nagpapatawa sa kanya. Sabi ko, Mama, alam mo ba nung mabasa ko 'yung part na parang nilapastangan kita, na-imagine ko si Zeny Zabala. Kaaway niya si Patria Plata tapos magtutugtog ng "It's not Unusual", tapos bigla kang nagsasayaw ng Grind for no reason at all. 'Di ba ganoon ang movies noong araw? "Tawa siya nang tawa. Tapos every day, since then, tinetext ko siya: 'Have a nice day'."Ang hirap," kuwento pa ni Sharon. "Ayoko naman siyang puntahan sa taping. Eh lagi naman siyang nasa taping, 'di ba? Every other day ang taping niya, tapos ako naman, everyday ang taping.One day bago nu'ng birthday niya, nag-text ako, tapos nagtext din si Ciara. It was a Sunday. I had work that Sunday. Birthday niya was May 7, Monday. Pero sabi ko, first time namin magkikita.Ayoko naman na maraming tao. Sa madaling salita, tuma-timing lang ako na nakapahinga siya, nasa bahay siya saka ko siya pupuntahan. Isusurprise ko siya."Sino ba naman ang may gusto noon na magkasamaan kami ng loob? Kasi parang the whole clan is affected. Ang sad lang ako. Talagang hindi naman dapat 'yun lumabas. It was an innocent comment. I never naman commented on what came out, like the senate presidency before. 'Yung isang lumabas na may comment, I never said anything. Huwag mo na patulan. No matter how gently you say it, siyempre 'pag close masyado, iba ang dating."
PANGARAP
KUNG may isang pangarap man ngayon ang Megastar na si Sharon Cuneta, is for her lose weight para makagawa na siya ng pelikula. "After all these decades, the people have seen me grow up. They know I was thin for most of my life. The last few years lang naman ako tumaba after I gave birth to Miel. Siyempre, 'pag 40's ka na, mabagal na ang metabolism mo. If I could lose weight and do movies again, that's my dream. That's my goal right now," sabi pa niya. Nag-drop na raw ng two sizes ang kanyang damit since nag-press conference siya for her show. Ayaw naman daw niyang ma-pressure pero gusto na niyang gumawa ng pelikula. But she wants to be in shape. "Ayoko namang lumabas sa movie na hindi ako bagay sa movie. Dapat okey ang weight ko. Tuloy rin ang movie ko with Gabby (Concepcion) pero dapat magkausap muna sina Boss Vic (del Rosario) at Gabby regarding his contract." Ang isang movie na pinaplano for her ay pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos. Nae-encourage naman daw siya talaga na magpapayat na kasi gusto na niya talagang gumawa ng pelikula. Wala naman daw siyang retoke sa katawan pero gusto na niyang i-career ang pagpapapayat. Tinanong namin siya kung kailan magge-guest si KC sa kanyang show. Aniya, "Malapit na. 'Pag may naakmang topic." Wala rin daw problema kung mag-guest siya sa ABS-CBN. "If someone needed me now sa Kapamilya network, I'd readily go. If someone wanted me to be there for someone special, why would I not go? Judy Ann (Santos) was so nice to have appeared in my show kaya precious siya sa akin," matapat na pagbabahagi ni Sharon.
Balak rin ba niyang mag- produce ng show for TV5 na hindi siya ang featured star? "Yes, kaming dalawa ni Boss Vic. We put up Mega Productions, si Boss Vic ang partner ko saka sa Sandra, so that is one of the plans. Pero we are focusing first on Sharon, Kasama Mo Kapatid kasi this is our first. This is our baby. And it's our carrier kaya I am focusing on it. Awa ng diyos, I enjoy coming to work every day. I enjoy the show very much. I look forward to it. "Dati bothered na ako 'pag dalawang taping sa isang araw. Ay ngayon, hindi! Tinatanong ko nga sila kung ayaw nilang mag-four taping days a week< Sabi nila nila, baka po mamatay na ang mga writers natin. Ay, kumuha ng iba!' natatawang kuwento ni Sharon.
Biro nga niya sa production staff, kaya ba nilang tapusin ang five years na show in two years para makagawa pa siya ng ibang show? Pero pag-uusapan pa raw nila ng TV5 kung anong klaseng program ang kanyang ipo-produce. Marami raw plano ang network for her pero hindi pa niya pwedeng i-announce. "Basta im looking forward to shooting a movie. Acting na acting na ako, utang na loob! Mano po 6 pa ang last movie ko. Pero sana matuloy na ang movie namin ni Juday at sana maipalabas ito this year," pag-asam niya.

Subscribe to:
Posts (Atom)